International Women’s Day 2011
To mark March 8th as International Women’s Day
The Museo ng Katipunan, together with the Departments of Education and Tourism of the City of San Juan, presented an art exhibition of Imelda Cajipe Endaya, a well-known visual artist, whose works have been exhibited, and much-awarded, in the Philippines and internationally.
Mrs. Endaya entitled her exhibit, “Pansariling Silid para kay Gregoria de Jesus”, choosing Gregoria, “Oriang”, as the subject of these paintings which celebrate her as a patriotic wife, mother, writer, soldier and keeper of important documents. On some of these paintings run lines from Gregoria de Jesus’ poems, writings, and advice.
To complement this theme, the Museo invited the Bahay Nakpil-Bautista to deliver a narration regarding Gregoria de Jesus.
The narration by Maria Paz Nakpil Santos-Viola, a granddaughter of Gregoria de Jesus and Julio Nakpil, was composed of brief stories on the women of the Katipunan, and anecdotes on Gregoria as a wife, a Katipunera and mother. (The script appears after this article.)
The guests of honor were Congressman Joseph Victor G. Ejercito, San Juan City Mayor Guia G. Gomez, Dr. Lydia C. Abeja of the Department of Education of San Juan, Balikatan sa Kaunlaran Foundation, Councilor Vincent Rainier M. Pacheco of the Special Committee on History and Culture and Tourism, Ms. AllenMarie DC Alejo of the San Juan City Tourism and Cultural Affairs Office, the National Historical Commission of the Philippines, the Shrine Curator of the Pinaglabanan Memorial Shrine/Museo ng Katipunan, Mr. Ferdie Paggao, and Mr. Noel Gaton, the Shrine Curator.
***
Sa inyong lahat, Magandang Araw ng Kababaihan!
Kamakailan lamang ang mga kasaysayang magigiting ay pangkaraniwang ipinalagay nating katangiang kalalakihan. Subalit maraming mga salaysay na kahanga-hanga na natamo ng kababaihan ay nakaligtaan, o hindi binigyan ng kabuluhan.
Isang salaysay na aking ibig sariwain sa alaala ay yoong tungkol sa mga Katipunera.
Sa umpisa, ang Katipunan ay samahang makabayang panglalaki lamang. Ayon sa kuwento sapagkat napansin ng mga maybahay na may kadalasang pagliban o inuumagang paguwi ng kanilang mga asawa, at ang naiintregang pang-gastos ay may bawas, ipinasiya ni Andres Bonifacio na isali ang asawa, anak o kapatid na babae ng Katipunero sa loob ng samahang Katipunan.
Ayon din sa mga kuwento, ang nangyari ay kapag may mga lihim na panukala o miting na nagaganap, ang ilan sa mga Katipunera upang hindi matuklasan o magkaraoon ng hinala ay gumagawa ng kantahan o sayawan.
Hindi tumagal humigit dito ang naging tungkulin nila-
* Ang samahan ng mga Kababaihan ng Cavite, upang magkaroon ng malawak na sakop ang rebolusyon, ginamit ang pakikipag-alam sa mga kakilalang negosyante;
* Rosario Lopez, anak ng mga hacenderong Lopez ng Negros, nagabuloy ng armas ;
* Philippine Red Cross, nakapagtayo ng labing-tatlong sangaymula sa Ilocos Norte hanggang Batangas sa pamumuno ng asawa ni Emilio Aguinaldo.
At marami sa kanila ay tunay na lumaban sa larangan ng digmaan—
* Melchora Aquino kilala rin sa ngalang ‘Tandang Sora’, at ‘Ina ng Katipunan’: inialay ang kanyang munting tindahan sa Balintawak sa paggamot ng mga maysakit at sugatan; inaresto ng mga Kastila, ipinatapon sa Marianas sa Guam; nakabalik lamang noong panahon na ng Amerikano;
* Agueda Kahabagan y Iniquinto, sa larangan ng digmaan kitang kitang nakaputi, at nakasandata ng riple at gulok; pinarangalan ng titulong ‘Henerala’ ni General Pio del Pilar; noong 1899 siya lamang ang tanging babaeng nakalista kasama ng mga general ng Hukbong Pilipino;
* Teresa Magbanua y Ferraris , sa Kabisayaan siya lamang ang babaeng pasimuno sa laban sa mga Kastila at Amerikano, at noong panahon ng Hapon, nagabuloy sa mga guerilyang lumalaban para mapalaya ang Iloilo; nabigyan ng pangalang, “Joan of Arc ng Kabisayaan”;
* Gregoria Montoya y Patricio , habang hawak sa isang kamay ang bandila ng Katipunan, hawak naman sa kabila ang machete; nagpasimuno ng isang pangkat na tatlongpung Katipunero sa labanan sa Dalahican, at sa Binakayan, Cavite;
* Trinidad Tecson, dahil sa matinding pagtanggol ng pasukan sa kuta ng Biak-na-Bato na katulong lamang ang asawang Julian /at dalawang utusan, binigyan ng karangalan bilang “Ina ng Biak-na-Bato”; sumali sa mga maraming labanan, kahit sugatan at nadadakip, bumabalik upang ipagpatuloy ang laban.
Marami pang iba. Ang bilang ng Katipunera ay nagsimula sa dalawampu’t siyam, umabot ng limampu.
* Marina Dizon, Presidente
* Josefa at Trinidad Rizal, mga kapatid ni Dr. José Rizal
* Benita Rodriguez, kasamang magburda ng bandila ng Katipunan.
[Angelica Lopez at Delfina Herbosa Natividad, kamag-anak ni Dr. Rizal. Carmén de Rodriguez, Marina Hizon, Semiona de Rémigio, Nazaria Lagos
Patronica Gamboa, Marcela Agoncillo, Marta Saldaña, Macaria Pañgilinan]
Hinuli ko man sa pagkuwento, hindi ko makakaligtaan ang Lakambini ng Katipunan, si
* Gregoria de Jesus.
Lakambini. Napakatamis na panawag, matalim na panawag. Bakit?
May labingwalong taong gulang lamang si Gregoria de Jesus ng sumumpa siya na tuparin ang mga utos ng Katipunan bilang anak ng bayan. Ito ay naganap noong araw rin ng kasal nila ni Andres Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan, pagkatapos niyang sumumpa na maging matapat na asawa.
Mapanganib na ang panahon noong 1893. Nagumpisa na ang matinding kainipan ng mamayan. Ibig nang makaahon sa pagkaapi ng mga Kastila. Si Oriang, kahit anong oras upang maiwasang madakip, takbo hakot ang mga papeles, sari-saring armas at timbre ng Katipunan, sakay sa isang kiles at nagpalibot-libot hanggang sa kanyang tingin ay matahimik na at maari ng bumalik.
Noong 1894 nagkaanak ng lalaki si Oriang at si Andres, ngunit hindi tumagal ay sumakabilang buhay ang sanggol.
Pumutok ang rebolusyon ika-15 ng agosto ng 1896, karamihan ng Katipunero at si Andres ay lumikas sa Kalookan. Sapagkat si Gregoria ay may kutob na dadakipin din, nagpalipat-lipat, nakituluyan at madalas namang pinagtabuyan. Kalookan. Dulong Bayan. Magdalena. Troso. La Loma. San Francisco del Monte. Marikina. Balara. Cavite.
Sumaksi sa mga labanan, sakay sa kabayo, hawak ang baril at ilang uri ng sandata; natulog sa lupa, nalipasan ng gutom, uminom ng maruming tubig at katas ng baging. Siya ay naging kawal na walang takot sa ano mang kahirapan o sa kamatayan.
Nagdusa ng matindi sa paglitis ni Andres at sa masaklap na kina-hantungan, nang pinapatay kasama ng kapatid na si Procopio. Ang kaniyang kalumbayan ay naisulat sa isang tula, na nagumpisa sa—
“Magmula Giliw ng ikaw ay pumanaw, katawan at puso ko’y walang paglagyan…”
Dumating ang mga Amerikano noong 1898. Nasugpo ang rebolusyon. Nagkaisang puso si Oriang at Julio Nakpil, na noon ay tagapatnugot ni Bonifacio sa dakong silangan kasama ni Emilio Jacinto. Si Julio ay naging negosyante ng tabako, at mataimtim na compositor.
Nanirahan si Oriang at Julio sa Quiapo, sa malaking tahanan ni Dr. Ariston Bautista at nang kaniyang maybahay, Petrona Nakpil, ang kapatid ni Julio. Kilalang Propagandista at pilantropo si Dr. Bautista. Kasama nila sa malaking Bahay ay ang mga ibang kapatid, pinsan, kanilang maybahay at mga anak.
Walo ang naging anak ni Julio at Oriang– Juan, Julia, Francisca, Josefina, Mercedes at Caridad ang mga nabuhay; dalawa ang kumabilang buhay—Juana at Lucia.
Sa ganitong maligayang kapaligiran namayapa ang buhay ng Lakambini.
Naasikaso ang asawa at mga anak at ang pamamahay. Tiniyak na palaging maayos at malinis ang pananamit ni Julio at ang eskritoryong gamit sa paglikha ng composisyon. Kapag walang katulong, gamit ang walis tambo, isis at bunot.
At napakasarap daw magluto ang Lola. Siya ang reyna ng kusina. Sa isang tikiman ay alam na niya ang lahat ng sangkap ng luto. Upang matandaan ang wastong pagluto ng bibingka ni Juling, ang panganay na babae, ipinasaulo niya ito– “Apoy sa itaas, apoy sa ibaba, salamangkera sa gitna!”
Naikwento ng mga anak na—“Tuwing Biyernes, lumalabas si Nana /upang bumili ng ‘Liwayway’ magasin. Pagbalik uupo sa azotea/ papaligiran naming magpinsan at babasahan kami ng bagong labas na Kuwento ni Lola Basiang.”
Dinamitan ni Lola ang limang anak na babae, gawang-kamay o makina, burdado at sunod sa moda. Gumawa ng mga manyika sa kapok o kusot, binuburda ang pagmumukha at kasuotan. Kapag hindi makatulog, namasdan ng mga anak nananahi hanggang madaling-araw.
Hilig din niya ang lumilok. Gamit ang simpleng lansetang pangukit, lumilok ng mabulaklak na diseno sa hawakan ng bolong kamagong, lumilok din ng mga pangluto, ng kahon ng kanyang hitchuhan.
Kahit ipinagbawalan ng Lolo Ariston, sobrang uminom daw ng kape ang Lola. Madalas mabisto dahil sa alagang loro na sigaw sumbong ng “Goria! Cape! Cape! Awrk! Awrk!”
Kapag tag-init ang mag-anak kasama rin ang mga tiyahin at lahat ng pinsan ay tumutuloy sa kanilang bahay sa Pasay. Kasama si Lola at Lola lumangoy at mangisda. Dahil malapit si Lola sa kaniyang mga kamag-anak na taga-Kalookan, madalas silang bumisita doon. Sa hardin ng kaniyang kapatid, may mga alagang tanim si Lola ng sari-saring gulay.
Nangibabaw naman ang pagka-makabayan ni Julio sa pagkatha ng musika —“Pahimakas, Pasig Pantayanin, Balintawak, Victory March” ang ilan sa mga ito.
Pinagkalooban siya ng gantimpalang, “Diploma of Honor”, sa unang Exposicion Regional Filipina dahil sa tatlong nilikhang composisyon— “Luz Poetica de la aurora, Recuerdos de Capiz, Exposicion Regional Filipina”; ginantimpalaan din/ ng Exposition of Hanoi at ng International Exposition of St. Louis.
Hindi rin tumigil ang pagbigay kay Oriang ng maraming parangal. Siya ang piniling magalis ng tabing ng unang istatwuang ‘Oblation’ ng Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila; pinangalang ‘Oriang’ ang isang uri ng gumamela; isina-pelikula ang kanyang buhay; pinangalanan ang mga paaralan sa iba’t ibang pook ng Pilipinas.
Sa ganitong katahimikan naisulat ni Oriang ang tala ng kaniyang buhay, isang paglarawan at paggunita sa mga nakaraang pangyayari. Kay Oriang, nanatiling buhay ang uliran ng rebolusyon. Itinanim niya ito sa ala-ala at puso ng mga anak,
“Palaging buo ang kalooban!”
Nag-iwan rin ng sampung tagubilin sa mga kabataan, ang isa dito—
“Alalahanin tuwina ang mga banal na aral ng mga bayani na nasawi dahil sa pagibig sa bayan.”
1941. Dumating ang mga Hapon. Ang panganay na anak, si Juan, ay tinawag ng hukbo sa paglingkod sa bayan. Ang lahat ay nag-alala at nangamba, hindi ang Lakambini. Lubos na nalungkot ngunit hindi nangamba. Mahinahong nagsalita, ”Kailangan siya ng bayan.”
Sa mga huling taon ng kaniyang buhay, humina ng unti-unti ang kaniyang kalusugan. Ngunit wala siyang kabiguan sa buhay, o sa mga anak at asawa na nabigyan ng mataas na pagpahalaga sa kani-kanilang mga larangan.
Noong 15 ng Marso 1943 sa kahigpitan ng digmaan laban sa Hapon, binawian ng buhay, sakit sa puso, ang Lakambini ng Katipunan, ang mapagmahal na asawa at ina. Siya ay umabot sa 68 taong gulang.
Hindi po ba napakahalaga ang mga istoryang ito sa habi ng ating kasaysayan. Dito mahahanap ang huwaran para sa mga kababaihan na sa mga panahong ito ay humaharap sa maraming mga mahihirap na hamon.
Sa mga kuwento tungkol sa Katipunan at ng kanilang mga Katipunera ay mapagkukunan ang mga paala na– kumapit ng mahigpit sa karapatan, katapangan, at katarungan.
Pangwakas, iiwan ko sa inyo ang ika-walong tagubilin ni Oriang—
“Matakot sa kasaysayan pagka’t walang lihim na di nahahayag.”
—-
Maria Paz Nakpil Santos-Viola
8 March 2011, Women’s Day
Museo ng Katipunan
Pinaglabanan, San Juan, Rizal
_____________
SOURCES:
“Julio Nakpil and the Philippine Revolution (with the autobiography of Gregoria de Jesus”, edited and translated by Encarnacion Alzona, Manila, 1964
Vignettes written by the children of Julio and Gregoria
http://www.msc.edu.ph/centennial/gdjesus.html
http://www.globalwarmingart.com/wiki/Wikipedia:Katipunan#Admission_of_women_to_the_society
http://opmanong.ssc.hawaii.edu/filipino/women.html
http://www.filipino.biz.ph/history/sora.html
http://www.salibata.org/2009/01/agueda-kahabagan.html
http://en.wikipedia.org/wiki/Teresa_Magbanua
http://philippine-revolution.110mb.com/tecson_detailed.html
Related topics: Articles, museum, News, personal account




