Isang programa na itinataguyod ng Bahay Nakpil-Bautista, katulong ang National Student Training Program ng Miriam College at iba pang mga volunteers. Itinataguyod nito ang kaalamang sining o “art” ng lahing Pilipino. Naniniwala kami na ang sining ay mahalagang bahagi ng buhay at karapatan ito ng bawat Pilipino. Sa kasamaang palad ang sining o art sa panahong ito ay masasabi nating naging “elitista”.
Nakatuon ang programang ito sa mga barangay tanod at kanilang pamilya. Nakapasok sa programang ito ang iba’t- ibang kaparaanan upang matugunan ang layunin ng programang ito. Kasama rito ang mga seminars, meeting s, pagdalo sa makahulugang “events”, pagdalaw sa mga museums, exhibits, atbp.
Bahagi din ng programang ito, ay ang pakikiugnayan sa mga mahahalagang proyectong ng comunidad – gaya ng “conservation” ng San Sebastian na kinakailangan ng tulong dahil sa kalawang na nasa loob ng mga pundasyon nito.
Magkikita kita tayo sa Bahay Nakpil-Bautista
432 Bautista – Barangay 393
Oras – 1:00 ng hapon – Sabado, Marso 26, 2011