Ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at ang Bahay Nakpil-Bautista ay magdaraos ng isang webinar tungkol sa buhay at musika ni Julio Nakpil sa darating na ika-2 ng Nobyembre 2021, sa ganap na 10 ng umaga.
Si Julio Nakpil ay isang rebolusyonaryo na sumanib sa Katipunan noong ika-2 ng Nobyembre 1896. Siya ang ikalawang asawa ni Gregoria de Jesus, ang Lakambini ng Katipunan. Sa kaparehas na petsa, ika-2 ng Nobyembre 1960 naman siya binawian ng buhay.
Sasamahan tayo nina Prof. Michael Charleston ‘Xiao’ Chua at Prof. Alexandra Iñigo-Chua bilang ating mga tagapagsalita sa webinar na ito.